Thursday, November 25, 2010

Ang Sarap Sarap mo talaga.






Ano ang iyong paboritong pagkain? Ito ba ay gawang Pinoy o gawang Kano? Mahilig ka ba sa lutong bahay o sa mga exotic na pagkain? Ilan lamang iyan sa mga karaniwang itinatanong kapag pagkain ang usapan. Naaayon ang mga paboritong pagkain ng tao depende sa lasa, kinasanayan o kinalakihan at ayon sa kanilang mga tradisyon. 




Ang aking paboritong pagkain ay Sinigang na Baboy. Ito ay lutong bahay at napakasarap nito ung may tamang asim. Upang makapagluto ng Sinigang ay kinakailangan mo ng Baboy, Kangkong, Kamatis, Sibuyas, Gabi, at ang pampa-asim na Sampalok. Ang mga sumusunod ay maaaring bilhin sa kahit saang palengke o tindahan. Ang Sinigang ay may maasim-asim na lasa ngunit hindi ito kasing-asim ng Paksiw. Iba ang kasiyahang nadudulot sa akin kapag ako ay kumakain ng Sinigang. Para bang gusto kong ubusin lahat ng kanin sa kaldero. Nawawala ang pagiisip ko tungkol sa pagdidiyeta. Hindi ako kumakain ng taba ng Baboy kung kaya't mas gusto ko na puro laman ang sahog ng nasabing ulam. Para sa akin, walang tatalo sa sarap ng mga lutong bahay lalo na ng mga Pilipino. Ako ay nasa Elementarya pa lamang nung una kong kahiligan ang mga lutong bahay, lalo na ang Sinigang.



Lubos kong tinatangkilik ang Sinigang dahil sa kakaibang asim nito. Sa panahon ngayon ay may naimbento na ding Sinigang na Corned Beef. Ito ay masarap rin ngunit mas masarap ang Sinigang na baboy. Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa din ang mga ulam na Pinoy kesa sa mga pgkain ng ibang lahi. Bukod sa pasok ito sa panglasa ko, ito rin ay isang paraan ng pagtangkilik sa mga gawang Pinoy.

Ghiera "FOX" Garcia
CTHM-1T1