Ang aking paboritong pagkain ay Sinigang na Baboy. Ito ay lutong bahay at napakasarap nito ung may tamang asim. Upang makapagluto ng Sinigang ay kinakailangan mo ng Baboy, Kangkong, Kamatis, Sibuyas, Gabi, at ang pampa-asim na Sampalok. Ang mga sumusunod ay maaaring bilhin sa kahit saang palengke o tindahan. Ang Sinigang ay may maasim-asim na lasa ngunit hindi ito kasing-asim ng Paksiw. Iba ang kasiyahang nadudulot sa akin kapag ako ay kumakain ng Sinigang. Para bang gusto kong ubusin lahat ng kanin sa kaldero. Nawawala ang pagiisip ko tungkol sa pagdidiyeta. Hindi ako kumakain ng taba ng Baboy kung kaya't mas gusto ko na puro laman ang sahog ng nasabing ulam. Para sa akin, walang tatalo sa sarap ng mga lutong bahay lalo na ng mga Pilipino. Ako ay nasa Elementarya pa lamang nung una kong kahiligan ang mga lutong bahay, lalo na ang Sinigang.
Lubos kong tinatangkilik ang Sinigang dahil sa kakaibang asim nito. Sa panahon ngayon ay may naimbento na ding Sinigang na Corned Beef. Ito ay masarap rin ngunit mas masarap ang Sinigang na baboy. Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa din ang mga ulam na Pinoy kesa sa mga pgkain ng ibang lahi. Bukod sa pasok ito sa panglasa ko, ito rin ay isang paraan ng pagtangkilik sa mga gawang Pinoy.
Ghiera "FOX" Garcia
CTHM-1T1
when you use pampamantasang Balarila, you should not use the word AY. predicate always comes before the subject, not vice versa. Don't use NUNG; instead, use NANG (last sentence par.2). add to that your usage of UNG (2nd sentence par.2). Omit MAS as well. Use HIGIT NA. and btw, i like kaldereta. :)
ReplyDeletekinalakhan, naIdudulot, kaya (from kung kaya't), panlasa
ReplyDeleteTotoo ang iyong sinabi na walang tatalo sa lutong bahay ng pinoy! :) Talaga namang ito ay napakasarap. Ang sinigang ay isa rin sa aking mga paboritong pagkain! Napakaraming klase ng luto nito subalit ang sinigang na baboy at sinigang na hipon ang aking paborito. :)
ReplyDeletegusto ko din kaya yan. lalo pag sobrang hot ;) kchka sobrang asim ! patok na patok ito sa panang halian :)
ReplyDelete_ZARA_ batiin mo na koo ;)
Tama ang iyong sinabi.Wala pa ring tatalo sa lutong bahay,kaya naman ito pa rin ang hinahanap-hanap ng mga pinoy.Lalo na ang mga nasa ibang bansa.
ReplyDelete-bea
mukhang masarap nga ang sinigang lalo na kapag lutong bahay. sa tingin ko nga'y ito ang pambansang ulam ng ating bansa. :)
ReplyDeletegrobe katakam nman yan ghiera.. paglutuan mo namn ako nean kahit minsan lng hahaha
ReplyDeletenakakaenganyo nman ung pagppaliwanag mo tungkol sa siningang! kagutomm!!!
talagang sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo. At pareho tayong hindi kumakain ng taba kung kaya`t mas gusto ko din na puro laman at gulay lamang ang meron nito.
ReplyDeleteIsa rin ito sa mga paborito kong pagkain. Pareho tayong hindi kumakain ng taba ng baboy at mas gustong puro laman nalang. Sobrang sarap talga nito.
ReplyDeleteVica